Pagpapataas sa conviction rate sa drug cases, tinututukan ng PDEA 12

KORONADAL CITY- TINUTUTUKAN ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 ang pagpapataas sa conviction rate ng mga drug cases sa Soccsksargen.

Ayon kay PDEA 12 Deputy Regional Director Francis Del Valle na isa sa dahilan ng dismissal ng mga kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga ay ang non-compliance sa section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o hindi pagsunod sa chain of custody sa paghawak sa mga ebidensya ng mga otoridad.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Dahil dito, inihayag ng opisyal na pinaigting pa ng kanilang tanggapan ang pagsasailalim sa training at pagtuturo sa mga PDEA agents at mga kasapi ng Philippine National Police kaugnay sa chain of custody.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Layon nito na maiwasan na mabasura ang mga isinasampang drug cases ng mga drug enforcement agencies.