KORONADAL CITY — HULI ng mga otoridad sa isinagawang manhunt operation noong Nobyembre 30 ng umaga ang isang lalaki na umano’y Number 5 most wanted sa provincial level.
Kinilala ang suspek na si Domie Bansel Tal, 36-anyos, may asawa, isang magsasaka, residente ng Sitio Matinong, Barangay Little Baguio, Surallah, South Cotabato.
Hinuli ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 26, Surallah, South Cotabato sa kasong murder at walang piyansang itinakda ang korte sa kasong kinakaharap nito.
Sa ngayon, nananatili ito sa kostudiya ng pulisya.
