South Cotabato nakapagtala na ng 114 kaso ng COVID 19 variants

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA na ang lalawigan ng South Cotabato ng 114 na kaso ng new variants ng COVID 19. Ito ang inihayag ni John Lemuel Dalisay statistician ng Integrated Provincial Health Office o IPHO batay sa bio-surveillance genome sequencing noong November 24.

Pinakamarami sa mga ito ang Delta na umabot sa 91cases, 15 ang Alpha, 5 ang Beta, 2 ang P.3 at isa ang P.1 variant.
Napag-alaman na lahat ng mga LGU sa South Cotabato ay mayroon ng kaso ng COVID 19 variant kung saan naitala sa Koronadal ang pinakamaraming kaso na umabot sa 41.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ang mga COVID 19 variants partikular na ang Delta ang isa sa tinitingnang rason ng mataas na kaso at mabilis na transmission ng COVID 19 cases sa South Cotabato noong mga nakaraang buwan.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Samantala, mahigpit namang binabantayan ngayon ng mga health authorities sa bansa ang pagpasok ng Omicron variant na unang na-detect sa South Africa.