Arestado ng pulisya sa bayan ng Coron Palawan ang dalawang wanted sa batas ngayong araw ng Miyerkules, ika-1 ng Disyembre.
Ayon sa Palawan Provincial Police Office, ang mga inaresto sa Brgy. Tagumpay ay si Jerome Irawan Blanco, 32 anyos , mangingisda na hinuli ng Coron PNP, 2nd Special Operation Unit- Maritime Group Provincial Highway Patrol Team-Palawan at 4O1stB MC, RMFB4B sa bisa ng arrest warrant dahil kaso niyang paglabag sa Fisheries Code Sec. 92(A) of Republic Act 10654.
Samantala, hinuli rin ng awtoridad ngayong araw sa Brgy. Tagumpay, Coron ang isang Albert Illustrisimo Escarlan, 37 anyos, mangingisda dahil sa paglabag rin sa of Philippine Fisheries Code Sec. 92(A) of Republic Act 10654 o illegal, unreported and unregulated fishing.
Nasa kustodiya ngayon ng Coron PNP ang dalawang mangingisda.
📷Palawan PPO