Prison facility sinalakay ng mga armado, 9 na preso patay sa Nigeria

Patay ang siyam na bilanggo at isang prison staff member makaraang salakayin ng mga armado ang bilangguan sa central city ng Jos sa Nigeria.

Ayon sa report, umabot din sa 252 na mga bilanggo ang nakatakas habang sampu naman ang naaresto ng mga otoridad.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Napag-alaman na naging gawain ng mga armadong grupo na targetin ang mga bilangguan sa Nigeria na mayroong nakakulong nilang miyembro para maitakas.

Read More:  France to deploy more police amidviolent protests

Sa kabuuan ay umabot na sa 800 inmates ang nakatakas mula sa dalawang bilangguan na unang sinalakay ng mga armado sa nakalipas na mga linggo.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit ng mga otoridad sa mga nakatakas na bilanggo at ng mga suspect.