Mga pulis sa Bicol, halos 100% nang nabakunahan vs COVID-19

BICOL—Halos 100% nang nababakunahan laban sa COVID-19 ang mga miyembro ng kapulisan sa Bicol region.

Ayon kay Police Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, nasa 11,387 o 98.38% na ng kabuuang 12,000 police personnel sa rehiyon ang nakatanggap ng dalawang doses ng bakuna habang 1,280 ang naturukan ng first dose.

Ang mga PNP personnel bilang kabilang sa mga laging lantad sa komunidad ay ilan sa mga konsideradong frontliners na iprinayoridad na mabakunahan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, bilang suporta sa kampanya kontra COVID-19, patuloy din ang pag asiste ng PNP sa ginaganap na Bayanihan Bakunahan hindi lamang sa pagbibigay seguridad kundi maging sa pagbabakuna.

Simula nitong Lunes mula nang umarangkada ang National Vaccination Days ay nasa 46 na police personnel na nagtapos ng medical related courses ang itinalaga sa Regional Medical and Dental Unit 5 upang tumulong sa ginaganap na bakunahan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang ibang personahe naman mula sa lower units ay nakatalaga sa pagbibigay seguridad sa pagbyahe ng mga bakuna at pagpapanatili ng kaayusan sa mga vaccination areas.

Maliban dito ay tuloy-tuloy din ang monitoring ng kanilang mga tauhan sa mga convergence areas upang matiyak na nasusunod ang mga health protocols ngayong nasa gitna pa rin ng pandemya ang buong mundo.### |slm