Health expert sa govt: Ibalik ang 14-day quarantine period

Hinimok ng health expert ang gobyerno na palawigin ang quarantine period para sa mga travelers na puamapasok ng Pilipinas at i-ban ang mas marami pang bansa dahil sa banta ng bagong COVID-19 variant na mas nakakahawa.

Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser sa COVID-19 response ng gobyerno na dapat ikonsidera ang pagbabalik sa 14-day quarantine period bilang hakbang laban sa Omicron variant sa bansa.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sa ngayon, ang mga travelers mula sa “yellow list” territories na fully vaccinated laban sa COVID-19 ay sumasailalim lang sa 3-day facility-based quarantine sa oras na dumating sa Pilipinas, kung sila ay mayroong negative RT-PCR test result na kinuha sa loob ng 72 hours bago ang departure.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ang mga wala namang negative RT-PCR test result ay kailangang manatili sa facility-based quarantine hanggang sa mailabas ang negative test result, mula sa ika limang araw na pagkuha ng samples.