Humingi ng paumanhin ang opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa delays sa delivery ng Philippine Identification (PhilID) cards, kasunod ng reklamo mula sa mga registrants.
Paliwanag ni PhilSys spokesperson Nicole Navea, pinaprayuridad nila ngayon ang mga low-income households at nahaharap rin umano sila sa logistic problems dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang PSA ay ang lead government agency na nagpapatupad sa Philippine Identification System (PhilSys).
Samantala, sinabi ni Navea na maglulunsad ang PSA ng mobile application kung saan pwedeng ma-access ng mga registrants ang mobile o digital copy ng kanilang PhilIDs, pero hindi nabanggit kung kailan.

Sinabi nito na 42 million katao na ang nakakompleto sa Step 2 ng PhilSys registration, kasama ang mga nagpunta sa mga registration centers para ipasa ang mga requirements at magbigay ng biometric data gaya ng fingerprints.
Mula sa naturang bilang, 3.5 million physical PhilIDs ang naipamahagi na.