Ginunita ng Land Transportation Office o LTO Region 3 ang national day of remembrance for road crash victims, survivors and families nitong November 21, 2021.
Ito ay bilang pagkilala at pag-alala sa mga naging biktima at survivors ng mga road crashes dahil sa kapabayaan at iresponsableng pagmamaneho ng ibang motorista.
Binigyang diin ni LTO Region 3 RD Eduardo De Guzman, sa isinasagawang cermony na kailangan maging responsable dahil sa malaki ang epekto nito sa kaligtasan ng bawat motorista at mga pasahero sa daan.
Samantala, patuloy pa rin ang paalala ng LTO na kailangan ang comprehensive driver’s education sa pagkuha ng lisenysang may 10-year validity.//Arjay Supe-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: LTO Region 3
