PRRD, nakiusap sa LGUs na pakainin ang mga constituents nito na magpapabakuna kontra COVID-19

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government units na pakainin ang mga constituents nito na magpapabakuna kontra COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na pwedeng ipadala ng LGUs sa kaniya ang bill ng mga kinain ng kanilang constituents.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Nakiusap rin ang Pangulo sa lahat ng gobernador at alkalde na kung maari ay sila na gumawa ng paraan upang mapapunta ang mga constituents nila sa vaccination sites sa mga ospital, malls, at sa ilang fastfood restaurants upang mabakunahan na sila.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Mababatid na magsasagawa ang gobyerno ng nationwide three-day vaccination event mula November 29-December 1.