Natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Luzon, nasa 1% na lang

Nasa isang porsyento na lang ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Luzon.

Sa huling COVID update na inilabas ng Department of Health Central Luzon, nasa 2, 100 na lang ang natitirang active cases sa rehiyon.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Mula ito sa kabuuang 279, 977 na confirmed cases.

Habang nasa 97% naman ang bilang ng mga gumaling, o katumbas ng 271, 915.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Ang mga nasawi naman sa Gitnang Luzon ay umabot na sa 5, 962 o katumbas ng 2% mula sa kabuuang kaso.