Bagong fare matrix, ruta at 3 sakay sa mga tricycle sa lungsod, aprubado na sa huling pagbasa

SORSOGON CITY – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon ang panukala hinggil sa implementasyon ng bagong fare matrix, bagong ruta at tatlong sakay ng mga pampasaherong tricycle sa lungsod.

Read More:  Bishop raises family, social concerns over Boracay casino

Sa ginanap na regular session ng Sangguniang Panlungsod  nitong linggo, inaprubahan na ng konseho ang naturang panukala.

Kaugnay nito, inaasahan na sa oras na matapos na ang pagpupulong ukol rito partikular na ang public consultation at pagtalakay nito sa Sangguniang Panlalawigan ay tuluyan nang maiimplementa ang sakay ng tatlong pasahero sa pampasaherong tricycle sa lungsod.

Read More:  Man killed in alleged stabbing by 15-year-old nephew in Cebu