Naaresto ng Bureau of Customs-Port of Ninoy Aquino International Airport at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang consignee ng package na naglalaman ng 100 ecstasy tablets sa Bulacan.
Ayon sa BOC, ang parcel mula sa Netherlands na naglalaman ng ecstacy tablets na nakatago sa mga dokumento ay naharang sa Central Mail Exchange Center.
Dagdag ng ahensya, ang shipment ay ideneklara bilang “letter” pero sa isinagawang physical examination nadiskubreng ito pala ay naglalaman ng ecstasy tablets na may estimated market value na P170,000.
Itinurn over naman ang claimant at nadiskubreng droga sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa custodial investigation at inquest dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Drugs Act at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, naaresto rin ng BOC ang claimant ng package na ideneklara bilang “wedding dress” na naglalaman ng P3.8 million na halaga ng ecstasy tablets sa Taytay, Rizal.