CSF, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon

Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang syudad ng San Fernando kahapon.

Kaugnay nito mababa na sa 50 ang natitirang aktibong kaso ng covid-19 sa syudad.

Sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit kahapon nasa 45 pa ang kanilang active cases mula sa labinlimang barangay.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Kabilang sa meron pang aktibong kaso ang bgy. Bulaon, Calulut, Dela Paz Sur, Dolores, Juliana, gayundin ang Lara, Malpitic, Saguin, San Agustin, San Jose at San Juan.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Kabilang rin sa meron pang aktibong kaso ang bgy San Pedro, Sindalan, Sta Lucia, at Sto. Niño.

Habang nasa 20 barangay na sa San Fernando ang COVID-free.