Guidelines para sa mga menor de edad, posibleng pag usapan sa City of San Fernando

Posibleng mapag-usapan ang paglalabas ng bagong guidelines para sa mga menor de edad sa syudad ng San Fernando.

Ito ay kasunod ng isinagawang random inspection ng incident Management Team sa dalawang mall sa syudad nitong nakaraang araw kung saan nakitang maraming mga menor de edad kabilang ang mga infant at toddler ang dinadala na ng magulang sa loob ng mall at walang suot na facemask.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay Raymond del Rosario, City Disaster Risk Reduction and Management Officer at IMT’s Incident Commander, may kaakibat na panganib para sa mga bata ang paglabas at pagpasok sa mga malls, lalo na’t hindi maobliga ang mga ito na magsuot ng facemask.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kaya panawagan nito sa mga magulang na kung hindi essential ang lakad, iwasan na munang dalhin sa mall o alinmang indoor places ang kanilang mga anak.

Maalalalang ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga LGU na magtakda ng guidelines para sa paglabas ng mga menor de edad.