Drayber, nahulihan ng hinihinalang shabu sa Puerto Princesa

Arestado ng Police Station 2 sa pangunguna ni PMaj. Alevic R. Rentino at City Anti Crime Task Force ang isa umanong drug pusher nitong Sabado sa ganap na 1:10 ng hapon sa Mitra road, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang suspek ay si Jason Acosta Rodriguez, 21 anyos , residente ng Zone 7, Brgy. Irawan sa Puerto Princesa at responsable umano sa paglaganap ng ilegal na droga sa lungsod, ayon sa Police Station 2.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang suspek ay nahuli sa drug buybust operation at nakuha mula sa kanya ang dalawang pakete kung saan nakasilid  ang suspected shabu, at dalawang libong piso.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.