6 paaralan sa buong Camarines sur, i-aassess ng DepEd Central Office na idaragdag sa pilot run ng limited face-to-face classes

NAGA CITY- Anim na mga pampublikong paaralan sa buong Camarines Sur ang inaasahang makakasama o madaragdag na sa pilot run ng limited face-to-face classes simula kinder hanggang grade 3.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Department of Education Regional Director Gilbert Sadsad. Aniya 3 rito ay mga paaralan sa bayan ng Del Gallego, 2 sa Sipocot habang may isa sa Naga City.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Paliwanag ni Sadsad, aprubado na ito sa Regional Office at nakatakdang i-assess ng DepEd Central Office katuwang ang Department of Health , kapag pumasa sigurado nang maidaragdag dahil suportado ng kani-kanilang LGU.

Ngayong Lunes, ipipresenta ni RD Sadsad sa Regional Office at inaasahang lalabas ang desisyon ngayong linggo.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Ang 6 na ito ay kasama sa 50 na mga paaralan sa Bicol na unang nagpasa ng application.

Batid ni Sadsad na handa na ang mga paaralang ito, mainam aniya na bakunado ang mga guro subalit hindi naman pinipilit.