MPBL, plano na maibalik ang normal nitong operasyon sa 2022

Target ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na bumalik sa normal nitong operasyon para sa 2022, matapos maapektuhan ang liga ng COVID-19 pandemic sa nakalipas na 2 taon.

Ayon kay MPBL commissioner Kenneth Duremdes, plano nilang magdaos ng mahabang preseason bago pumasok sa isang pormal na torneyo sa Hunyo ng susunod na taon.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Matatandaan na ipinagpaliban ang pagdaraos ng MPBL 2019-20 season noong March 2020, kasabay ng playoffs nito, dahil sa COVID-19 pandemic.

Bumalik lamang ang mga laro ng MPBL matapos ang isang taon, kung saan ay ginawa ang natitirang bahagi ng playoffs sa loob ng isang bubble sa Subic.

Read More:  Carl James Martin eyes world championship after defeating David Picasso

Kung maalala ay nagkampeon ang Davao Occdental Tigers ng Lakan Cup.