Pamilya at politika, kasama sa mga napag-usapan nina Robredo at De Lima

Bumisita si Vice President Leni Robredo sa nakakulong na si Senator Leila De Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, upang kamustahin ang kondisyon ng senadora at pag-usapan ang kanilang mga election bids.

Sinabi ni De Lima, na noong 2017 pa nakakulong dahil sa mga kaso na may kinalaman sa ilegal na droga, na nakaramdam siya ng tuwa mula sa isang oras na pagbisita sa kaniya ni Robredo.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ayon sa senadora, marami silang napag-usapan ni Robredo tungkol sa ilang mga kaganapan sa bansa.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ipinunto rin niya na napagkwentuhan nila ang ukol sa pamilya niya at sa kaniyang kalagayan.

Mababatid na kasama si De Lima sa senatorial line-up ni Robredo, na tatakbo sa pagkapangulo sa 2022.