16 na bgy sa City of San Fernando, COVID-free na

COVID free na ang 16 na barangay sa City of San Fernando, matapos na wala nang natitirang aktibong kaso ng COVID-19.

Kabilang dito ang bgy Baliti, Del Pilar, Del Rosario, Dela Paz Norte, Lourdes, Magliman, Maimpis, Pandaras, Panipuan, Pulung Bulu, Quebiawan, San Felipe, San Isidro, San Juan, Sta. Teresita, at Sto. Rosario.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Ayon sa City Health Office, patuloy din ang pagbaba ng COVID cases sa syudad.

Sa katunayan, sa ngayon nag aaverage na lang ng 5 hanggang 6 na bagong kaso ang naitatala kada araw sa nakalipas na dalawang linggo.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Tinitingnan dahilan dito ang vaccination roll-out kung saan as of Nov. 12 nasa 61% na ng target population ang fully vaccinated.