85% ng rice self-sufficiency level naabot ng Pilipinas – DA

Tumaas ang local production ng palay noong nakaraang taon sa 85 percent ng total self-sufficiency level.

Naungusan nito ang 79.8 percent noong 2019 na siyang pinakamababa sa loob ng walong taon.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Ayon sa Department of Agriculture bunga ito ng rice tarrification law at positibong epekto sa rice programs ng kagawaran.

Subalit ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) batay sa kanilang “Food Availability and Sufficiency” report bigo pa rin ang bansa na suplayan ang lumalaking demand ng bigas dahil patuloy na paglobo ng populasyon.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa pagitan ng 2018 at 2020, sinabi ng PSA na ang rice production ay mayroon lamang paglago ng 0.6 percent kada taon.