Pag-uusapan nang mga Metro Manila Mayors ang isyu sa guidelines sa paglalabas ng mga bata para mamasyal sa mga mall.
Ayon kay Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos sasanguni sila mga health experts upang makabuo ng panuntunan kaugnay sa naturang usapin.

Kabilang naman sa mga isasa-alang-alang ay ang posibleng impact nito sa economiya.
Subalit para Abalos nasa kamay pa rin umano ng mga magulang ang pagprotekta sa kanilang mga anak.
Posible naman makapaglabas ng pinag-isang resolusyon ang mga NCR mayors sa naturang usapin bago matapos ang Linggong ito.