Review sa guidelines sa pagpasok ng mga bata sa mall, bahala ang LGUs – DILG

Pina-rereview ni DILG Sec. Eduardo Año sa mga alkalde ng Metro Manila ang panuntunan sa pagpapasok ng mga bata sa mga mall.

Ito matapos maiulat na isang bata ang nahawaan ng COVID-19 matapos itong mamasyal sa mall.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

“I leave it to the LGUs to review the guidelines. It is within their authority to put restrictions as the situation may call for,”ani ng kalihim.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sinabi ni Año ikinalungkot niya na marinig ang naturang balita.

Muli namang nagpa-alala ang kalihim sa mga magulang na manatiling sumunod sa public health protocols kung dadalhin ang kanilang anak sa mga mall.