Mga tauhan ng Coast  Guard sa Camarines Norte naki- Duck, Cover and Hold sa isinagawang Simultaneous Earthquake Drill kahapon

CAMARINES NORTE- Nakiisa ang mga personnel ng Philipiine Coast Guard sa lalawigan sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill kahapon ng umaga.

Sa pagbibigay ng hudyat, sabay- sabay na nag Duck, Cover and Hold ang mga nakiisa sa drill na ginanap sa Coast Guard Station sa bayan ng Mercedes.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon kay CG MCPO Danilo Dela Cruz, Acting Station Commander ng Coast Guard Station sa lalawigan ng Camarines Norte, mahalaga ang mga ganitong drill upang maging handa ang kanilang personnel sakaling mangyari ang kalamidad.

Bagamat hindi umano hinahangad ng sinuman pero mas mainam na raw maging handa upang alam ng bawat isa ang gagawin.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Matatandaan na ginawa ang NSED para sa first at second quarters nitong taon noong  March 11 at June 10,  ayon sa pagkakasunod- sunod.