CAMARINES NORTE- Nakiisa ang mga personnel ng Department of Education, guro at maging ilang estudyante sa isinagawang huling National Simultaneous Earthquake Drill ngayong taon na isinagawa kahapon.
Sa pagbibigay ng hudyat, sabay- sabay na nag Duck, Cover and Hold ang mga nakiisa sa drill.
Ayon kay Division DRRRM Coordinator Gernonimo Burce ang nabanggit na techniques lang ang ginawa ng mga nakiisa sa drill dahil wala munang ginawang evacuation.
Nananatili kasing suspendido ang in- person na earthquake drill dahil sab anta ng COVID- 19.
Mayroong mga nakiisa sa opisina at ang mga gurong nasa eskwelahan habang ang mga naka work from home naman ay hinikayat lamang na makiisa sa naturang aktibidad.
Hindi nakapagpalabas ng report ang Division Office hinggil sa kung ilang eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte ang nakiisa sa nabanggit na aktibidad dahil direkta na umano sa Central Office ang reporting.
Pero kung pagbabasehan ang submission ng report noong 3rd quarter nasa 289 na eskwelahan ang nakapagsumite.
Matatandaan na ginawa ang NSED para sa first at second quarters nitong taon noong March 11 at June 10, ayon sa pagkakasunod- sunod.
