Fetus, natagpuang palutang-lutang sa Naga River

NAGA CITY- Kaawa-awa ang kalagayan ng isang fetus nang matagpuang palutang-lutang sa Naga River.

Bandang alas 11:40 ng umaga nitong Miyerkules, ipinaaabot sa mga otoridad ng isang concerned citizen na may natagpuang patay na fetus sa may likod ng Barangay Hall ng San Francisco.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Nang makuha, nalamang nasa pito hanggang walong buwang gulang na ang lalaking sanggol na at may umbilical cord pa.

Dinala ito sa San Francisco Church upang basbasan bago ilibing.

Nagsagawa ang Police Station 1 sa Naga ng follow up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan ng ina ng nasabing fetus.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Hinala ng mga nasa lugar, maaaring itinapon sa Colgante Bridge ang sanggol.

Ang tanong ng marami, bakit ito nagawa ng mga magulang, ano ang kondisyon na pinagdaraanan ng ina.

(NCPO PHOTO)