Tiniyak ng Commission on Election na papayagan nila ang mga kandidato na maka-pangampanya ng personal sa darating na 2022 campaign period.
Ito ang tugon ng Comelec sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ang mga kandidato ng lugar para makapagsagawa ng kanilang kampanya.

Iginiit kasi ng Pangulo na hindi lahat ng mga kandidato ay kayang maglagay ng campaign ads sa telebisyon at iba pang media outlets.
Ayon kay Commission on Election spokesman James Jimenez, sang-ayon sila na magkaroon ng in-person campaigning ang mga kandidato sa 2022 election.
Asahan umanong maglalabas ang COMELEC ng mga panuntunan bago ang campaign period katulad na lamang ng bilang ng mga posibleng dumalo sa mga isasagawang meeting de avance.