25 bata patay sa sunog sa Nigeria

Patay ang 25 bata na nasa edad 5 hanggang 6 matapos masunog ang ilang classhroom na gawa sa light material sa Nigeria.

Ayon sa report, maliban sa mga nasawi, marami din ang nasugatan at nasaktan dahil may klase ang mga bata nang sumiklab ang sunog.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Kinumpirma naman ni Maradi city mayor Chaibou Aboubacar na tatlong classroom ang nasunog.

Hindi pa malinaw sa mga otoridad kung ano ang dahilan ng sunog Suspendido naman ang klase sa eskuwelahan habang iniimbestigahan ang insidente.

Read More:  North Korea fires around 10 ballistic missiles toward eastern waters

Matatandaan na 20 estudyante din ang namatay sa sunog sa capital city na Niamey matapos ding matrap sa nasunog na eskuwelahan noong unang bahagi ng taon.