Maayos na pamumuno sa PNP tiniyak ni Gen. Eleazar

Tiniyak ni incoming Philippine National Police Chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang maayos na pamumuno sa pambansang pulisya.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag matapos pormal na ihayag ng Malakanyang ang pagkakahirang sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong PNP chief.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Pinasalamatan ng heneral si Pangulong Duterte sa pagpili sa kanya na pangunahan ang 210, 000 police force sa bansa.

Nagpasalamat din ito sa panginoon dahil sa umano’y pambihirang pagkakataon na pagsilbihan ang kanyang mga kababayan kasabay ng pagtanggap ng hamon sa kanyang bagong posisyon.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Opisyal na uupo sa pwesto si Eleazar sa Mayo 9, 2021 isang araw matapos ang pagreretiro ni outgoing PNP chief Debold Sinas.