‘LGUs na mabagal sa COVID-19 vaccination drive, mananagot’ – PRRD

Hindi kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa takbo ng vaccination drive ng bansa.

Ito ay sa kabila na nahigitan ng pamahalaan ang 55-million jabs na target sa buwan ng Oktubre.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Sa kanyang televised talk to the nation address ngayong umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na ipinag-utos niya kay DILG Sec. Eduardo Año na panagutin ang mga LGUs at local chief executives na nagkakaroon ng mabagal na COVID-19 vaccination drive sa kanilang nasasakupan.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Paliwanag pa ng Pangulo lagi din niyang pina-aalalahanan ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang vaccination effort upang maabot ng Pilipinas ang target nitong makapagturok ng 1-milllion doses ng COVID-19 vaccines kada araw o higit pa.