Mga naghahanap ng ‘forever’ online, binalaan laban sa ‘romance scam’

KORONADAL CITY- BINALAAN ng PNP-Anti-Cybercrime Unit Region 12 ang mga netizens at mga mahilig maki-pagchat at naghahanap ng mapapangasawa online laban sa ‘love scam’ o ‘romance scam’.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Edwin Arroyo, investigator ng Philippine National Police o PNP Regional Anti-Cybercrime Unit Region 12 na target ng mga sindikato ng ‘romance scam’ ang mga biyuda at mga retired professionals na may edad 51 hanggang 65 years old.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Modus ng mga cybercriminals sa romance scam ang magpanggap na retired US army o mayaman na foreigner na naghahanap ng mapapangasawang pinay.

Pagkatapos nito ay magkukunwari ang foreigner na may ipinadalang package, regalo, alahas o pera sa ka-chat na pinay.

Ngunit bago ito makuha, may isang kasabwat na tatawag at magpapanggap na kawani ng Bureau of Customs na magsasabing kailangan munang bayaran ng recipient o ng tatanggap ang custome fee at iba pang bayarin.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ayon kay Arroyo na ito ay isang scam kung kaya’t hinikayat nito ang lahat na huwag agad maniwala at huwag magpadala ng pera kung kanino man.

Kadalasan umanong may pakana ng romance scam ang mga Nigerian nationals na may kasabwat din na mga Pilipino.