Apat na lalaki arestado matapos maaktuhan habang pumupusta  sa online sabong

CAMARINES NORTE- Kulungan ang binagsakan ng apat na kalalakihan dahil sa pagpusta sa Online Talpakan o Online Sabong  sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng pinagsanib pwersa ng mga kapulisan

Dakong alas 4:30 ng hapon nitong Oktubre 27, 2021 sa Purok 6, Brgy Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte ng madakip ang mga online sabungero na kinilalang sina alyas ED, 55 anyos, alyas JO, 37 anyos alyas JUN, 30 anyos at alyas JEF, 34 anyos pawing mga residente ng bayan ng Vinzons

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Paliwanag ng kapulisan ang pagkakahuli sa akto ng mga suspek

habang nagpupusta sa ONLINE TALPAKAN o ONLINE SABONG ay isang paglabag sa PD 449 in relation to RA 10175.

Nasamsam sa operasyon paerang pamusta na nagkakahalaga ng Anim na Raan at Limampung Piso (Php650.00); at Isang (1) kulay emerald na cellphone na may tatak na Vivo

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Ang mga naarestong indibidwal at ang mga nakumspikang ebidensya ay nasa kostudiya na ng CIDG Camarines Norte PFU para sa kaukulang disposisyon.