Pagunita ng Undas naging makabuluhan pa rin para sa ilang pamilyang CamNorteño sa gitna ng pandemya

Itinuturing pa ring makabuluhan ng ilang pamilyang CamNorteño ang pagunita ng Undas sa kabila ng COVID- 19 pandemic.

Hindi man katulad ng dati noong wala pang pandemya at kahit mas maaga itong ginawa dahil sa pansamantalang pagpapasara ng mga sementeryo, naging pagkakataon pa rin ito para alalahanin at ipagdasal ang mga mahal sa buhay na yumao.

Simula ngayong araw, October 29 hanggang November 2 ay pansamantalang sarado ang mga sementeryo alinsunod sa kautusan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at ng Pamahalaang Panlalawigan.

Mas mahabang araw ding sarado ang catholic cemeteries sa Camarines Norte makaraang ipag utos ng lokal na simbahan sa bisa ng isang Diocesan Circular ang pansamantalang pagsasara nito mula ngayong araw hanggang November 4.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sarado man ang mga sementeryo, hinihikayat pa rin ng simbahan ang bawat isa na sama- sama na lang magdasal sa loob ng tahanan.

Magkakaroon din ng “Mass of the Saints” mamayang alas 3: 30 ng hapon sa Holy Trinity Cathedral bilang paghahanda sa pagunita ng All Saints Day at All Souls Day.

Tila nakisama naman ang panahon kahapon sa huling araw bago pansamantalang ipasara ang mga sementeryo.

Sa Memorial Park of the Risen Christ dito sa Daet, may ilang pamilyang nagtayo ng tent at sinamahan ang kanilang mahal sa buhay na yumao ng ilang oras.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Mayroon din namang dinala pa ang mga alagang aso sa pagpunta sa sementeryo.

At kahit ipnagbawawal ang paglabas ng mga nakatatanda na lagpas sa edad na 65 anyos ay may mga ilan pa ding hindi nagpapigil na bisitahin ang mahal sa buhay na yumao.

Nag ikot naman ang mga pulis sa  Mercedes Cemetery upang tiyaking nasusunod ang health protocols.

Ilang mga hindi nakasuot ng face mask ang nasita at binigyang babala.