Region 12 nasa low risk na sa COVID 19 cases

KORONADAL CITY- NASA low risk na sa kaso ng COVID 19 ang Soccsksargen region batay sa risk classification ng Department of Health o DOH.

Napag-alaman na ang growth rate ng kaso sa rehiyon ay bumaba ng -52% kumpara noong nakaraang tatlo hanggang apat na linggo.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Bumaba na rin ang average daily attack rate nito sa 2.89% noong nakaraang isa hanggang dalawang linggo.
Samantala sa health systems capacity, nasa 32.94% na lamang ang COVID 19 bed utilization ng mga COVID referral hospitals sa iba’t ibang mga lugar sa Soccsksargen. Ito ay mas mababa kung ikukumpara noong nakaraang buwan na umabot sa 60 hanggang 70% utilization rate.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ang mechanical ventilation utilization rate ay nasa 28.57% habang 40.56% ang ICU bed utilization.