Responsibilidad ng bus company sakaling may nasunog na unit nito, nilinaw ng LTFRB-12

KORONADAL CITY — NILINAW ngayon ng Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB Region-12 na hindi responsibilidad at hindi kailangang bayaran ng mga bus companies ang mga bagahe at dalang gamit ng mga pasahero na nasira o napinsala sa mga insidente kagaya na lamang ng sunog sa bus.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay LTFRB-12 Regional Director Reynato Paterno Padua, tanging sagutin lamang umano ng mga bus companies ay ang mga bagaheng pormal na naturn-over at nabayaran sa conductor.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Upang makakuha ng bayad, sinabi ni Padua na kailangang mag-presinta ng resibo ang pasahero bilang patunay ukol sa binayarang bagahe nito sa bus bago pa man ang insidente.

Panawagan na lamang ni Padua sa publiko na ugaliing iturn-over sa konduktor ang mga bagahe lalo na kung may mga mahahalagang laman ito upang makakuha ng refund sakaling mawala o mapinsala.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Matatandaan na isang unit ng Husky Bus ang nasunog sa North Cotabato kamakailan at ilan sa mga pasahero nito ang nagreklamo na hindi sila binayaran ng bus company sa mga gamit nilang nasunog sa nasabing bus.