SBP, kinwestyon ang kontrata ni Jordan Heading sa Taiwanese club

Kinwestyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang plano ni Jordan Heading na maglaro para sa Taichung Suns ng T1 League sa Taiwan.

Isinangguni ng SBP ang nasabing isyu sa FIBA at sa counterpart federation nito sa Chinese Taipei.

Read More:  Pinoy surfer John Mark Tokong advances to Round 2 of World Surf League

Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na meron live contract si Heading para maging bahagi ng Gilas Pilipinas pool.

Iginiit ni Barrios na may kinalaman sa kontrata, na hanggang March 2023 pa ang itatagal, sa Terrafima mula sa PBA Season 46 Draft noong Marso.

Read More:  NLEX sweeps Phoenix, advances to PBA Governors’ Cup semifinals

Sa ngayon ay tumanggi si Barrios na magbigay ng karagdagang komento hanggang wala pang natatanggap na sagot ang SBP mula sa FIBA.