Nasa 50 na mga barangay tanod mula sa East Tabacal Region sa lunsod ng Cauayan ang naging recipient ng isinagawang Barangayanihan Caravan sa barangay San Luis.
Ayon kay PLt. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station, pangunahing benepisaryo ng naturang aktibidad ang mga less fortunate barangay tanod.
Aniya, personal dumalo sa venue si Isabela Police Provincial Director PCol. James Cipriano kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng DILG, DOLE, LGU Cauayan, CHO, NICA, PESO, DSWD, CENRO, HPG Isabela, LGBT Community at iba pang volunteer groups.
Nagsagawa aniya ng profiling ang PESO sa mga benepisaryo para sa TUPAD, nabigyan din ang mga ito ng libreng gupit, gamut at vitamins mula sa CHO, at vegetable seeds.
Nagkaroon din ng medical mission habang nagkaloob naman ang DOLE ng nego-kart para sa mga recipient.
Ayon kay PLT. Topinio, ito ay upang matulungan din ang mga barangay tanod at mabigyang pagkilala sa kanilang ginagampanagng tungkulin.