Nahukay ng militar ang limang container na naglalaman ng mga bigas at pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga rebeldeng NPA sa Sitio Tagcar, Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan.
Ayon sa 5th Infantry Division Philippine Army, natunton ang pinagimbakan ng mga naturang container matapos itong suplong sa kasundaluhan ng mga residente na dating masa ng mga rebelde.
Narekober sa lugar ang apat na tig-30 liters na gallon at isang 20 liters na gallon na may lamang bigas.
Ayon pa sa militar batay umano sa salaysay ng mga residente, inilalagay ng mga rebelde sa gallon ang kanilang mga nakokolektang bigas mula sa mga ito.
Samantala, hinikayat naman ni 5ID Commander MGEn. Laurence Mina ang mamamayan na huwag nang bigyan ng tulong ang mga kasapi ng NPA sa halip ay ipagbigay-alam ito sa mga otoridad.
Photo/5ID