Nagkasundo ang mga organizers ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na buksan ang biennial event sa mid-May sa susunod na taon.
Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kasunod ng SEA Games Federation online meeting ng 11 member countries.

Ayon kay Tolentino, iaanunsyo ng Vietnamese organizers ang mga partikular na araw na gagawin ang SEA Games sa lalong madaling panahon.
Ipinunto rin niya na magkakaroon ng 520 events sa 40 sports sa Hanoi.
Matatandaan na dinomina ng Pilipinas ang 2019 SEA Games kung saan ay nagkaroon ito ng 530 na events sa 54 na sports.