Mambabatas, umapela ng karagdagang bakuna para sa mga probinsya

Umapela ang ilang miyembro ng House of Representatives sa  gobyerno na magbahagi ng mas maraming doses ng COVID-19 vaccines sa mga probinsya.

Sinabi ni Albay Representative Joye Salceda, House and ways committee chairman, na krusyal ang nasabing hakbang sa pagkamit ng economic growth para sa susunod na taon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ipinunto ng mambabatas na kailangan lamang ng LGUs na maging agresibo sa paghahabol sa bilang ng mga nababakunahang indibidwal.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Iginiit rin niya na sa probinsya ng Bicol, ay nasa 10-percent lamang ng eligible na populasyon nito ang bakunado.