Mahigit 30 patay sa panibagong suicide bombing sa Afghanistan

Patay ang mahigit 30 tao habang marami ang sugatan sa panibagong suicide bombing sa Shia mosque sa Kandahar city sa Afghanistan.

Basag-basag na mga bintana ng mosque at nagkalat na mga bangkay ang bumulaga sa mga mananalampalataya matapos ang pagsabog.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Sa inisyal na ulat, tatlong suicide bomber ang hinihinalang nagsagawa ng karumal-dumal na krimen kung saan sinasabing isa ang nag-detonate ng bomba sa pintuan ng mosque habang ang dalawa ay nagpasabog naman sa loob ng gusali.

Kinumpirma ng mga otoridad na dahil nataon na Biyernes ay puno ng mga nagdadasal sa loob ng mosque kaya marami ang sugatan na itinakbo sa ospital.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Kinordonan na ng Taliban forces ang lugar habang wala pang grupo ang umaako sa krimen.

Ang Kandahar ang pangalawang pinakamalaking siyudad sa Afghanistan at sinasabing spiritual birthplace ng Taliban.