Pilipinas, nakatanggap ng karagdagang 844,800 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine

Nakatanggap ang Pilipinas ng 844,800 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines nitong Biyernes.

Ang nasabing bagong batch ng vaccine doses, na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, ay mula sa donasyon ng Germany na ipinadaan sa COVAX facility.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas
Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Nagpasalamat naman si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa gobyerno ng Germany para sa AstraZeneca doses.

Ipinunto niya na mapapakinabangan ito ng mahigit 400,000 Pilipino.