45 insidente ng pagbaha at landslides, naitala

Umabot sa 45 insidente ng pagbaha at 14 na landslides ang naitala sa iba’t-ibang rehiyon dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Maring.

Sinabi ng NDRRMC na kasama ang Region 1, Region 2, MIMAROPA, Region 6, CARAGA, at CAR sa mga nakaranas ng pagbaha at landslides.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Kaugnay nito ay sinabi ng ahensya na meron 44 na kalsada at 10 tulay ang hindi madaanan sa mga apektadong lugar.

Read More:  DepEd to establish 13 new division offices to improve services in remote schools

Naitala rin ng NDRRMC ang tinatayang nasa 48 siyudad at munisipalidad na nakaranas ng power interruption.