Higit 90K vials ng covid vaccine, natanggap ng Isabela PHO

Dumating sa lalawigan ng Isabela ang karagdagang 93, 680 vials ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa Isabela Provincial Information Office, 90,170 vials dito ang Sinovac at 3,510 vials naman ang Pfizer vaccine.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Idineliver ang mga naturang bakuna sa tanggapan ng Integrated Provincial Health Office kahapon, October 8, 2021.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Inaasahang makakatulong ang mga bagong dating na suplay ng bakuna sa vaccination effort ng pamahalaang panlalawigan upang makamit ang herd immunity ng probinsya.