Initial lists ng mga senatoriables ng Robredo-Pangilinan tandem, inilabas na

Inilabas na ng tandem nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang inisyal na listahan ng kanilang senatorial bets para sa 2022 elections.

Ang mga ito ay kinabibilangan nina Senators Risa Hontiveros at Leila de Lima, dating Senator Antonio Trillanes IV, human rights lawyer Chel Diokno, at dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Ayon kay Robredo, hindi pa niya maaring inilabas ang iba pang mga pangalan, pero nagmumula umano ang mga ito sa iba’t-ibang political parties.

Sa gitna nito, inaasahang sa susunod na linggo ilalabas na nila ang buo at pinal na listahan.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Nabatid na si Robredo ay tumatakbo bilang independent candidate, habang si vice presidential aspirant Pangilinan ay nakalista sa ilalim ng Liberal Party.

Sinabi ng senador na ipagpapatuloy ng partido ang pag-“mobilize” para sa kampanya ni Robredo. //MHEL PACIA-TRINIDAD