Pagbabakuna sa mga kabilang sa indigent population sa Catanduanes, umarangkada na

BNFM BICOL—Umarangkada na rin sa islang lalawigan ng Catanduanes ang pagbabakuna sa mga residenteng kabilang sa A5 priority groups o ang mga indigent populations.

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Robert John  Aquino, araw-araw na ang isinasagawang vaccination roll out sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya upang mas mapabilis ang pagkamit ng herd immunity o population protection.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Kahapon, araw ng Miyerkules, nasa mahigit 700 indibidwal na kabilang sa indigent population  sa bayan ng Virac ang binakunahan kontra sa sakit.

Dagdag pa ni Aquino, batay sakanilang huling pagtataya nasa 100% na ng mga nasa A1 o health workers ang fully vaccinated; 80% na ang mga naturukan mula sa A2 o mga senior citizens; 88% sa mga kabilang sa A3 o individuals with comorbidity habang puspusan naman ang kanilang isinasagawang pagbabakuna para sa mga kabilang sa A4 at A5 priority groups.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ngayong linggo, inaasahan ang pagdating ng karagdagang 15,210 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine sa islang probinsya kaya’t nanawagan ang opisyal sa mga residente na makiiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out, at sumunod sa mga umiiral na health protocols lalo na at patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sakanilang lalawigan.###