Healthcare utilization rate sa Camarines Norte nasa high risk level

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health nitong Miyerkules na nasa high risk level ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon sa ahensiya sa 165 beds na inilaan para sa Covid ay mayroong nagamit na 115 o 69. 7 % utilization

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

High risk din ang Covid ward beds sa 73. 2 % utilization habang moderate risk ang isolation beds sa 68. 9 %.

Nasa low risk naman ang ICU beds sa 50. 0% utilization habang moderate risk ang mechanical ventilators sa 66. 7 %  utilization.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang DOH  na makakatulong ang bawat isa sa pagpapababa ng utilization rate ng Covid beds sa mga health facilities kung isasabuhay ang pagsunod sa minimum health standards .

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, nasa Alert level 2 naman ngayon ang rehiyon sa pangkalahatan o nanganhulugang nasa low risk classification.