Transport group, hihirit ng dagdag-pasahe habang walang subsidy mula sa gobyerno

Nagbabala ang grupong Pasang Masda na mapipilitan itong maghain ng petisyon para sa fare increase kung patuloy na sisipa ang halaga ng mga produktong petrolyo.

Base sa datos ng Department of Enrgy ay umabot na sa P15/litro ang itinaas ng presyo ng gasolina, habang nasa P14 na mas mataas ang presyo ng diesel.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Inihayag ng grupo na ang P9 na pamasahe ay magiging sapat na para sa tinatayang P40 kada litro na gasolina.

Dahil dito ay sinabi ng mga tsuper na kailangan nila ng P3 na pagtaas sa minimum fare.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa ngayon ay handa ang grupo na isantabi ang kanilang kahilingan para sa petisyon sa fare increase.

Gayunman, ito anya ay kung makakatanggap sila ng subsidiya mula sa gobyerno para palakihin ang kanilang gasoline allowance.