BBM, inaming plano ng PFP na si Duterte ang kanyang maging VP

Inamin ni dating Sen. Bongbong Marcos na plano sana ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na si Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang maging kandidatong bise presidente.

Pero dahil sa pag-anunsyo ni Duterte tungkol sa kanyang pagreretiro sa pulitika ay nagbago umano ang lahat ng plano.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Dahil dito, patuloy ang konsultasyon ng kanilang partido kung ano dapat gawin ngayon.

Mababatid na sa pag-atras ni Duterte na tumakbong bise presidente, ang kaniyang longtime aide na si Senador Bong Go, ang naghain ng COC pagka bice presidente sa ilalim ng isang paksiyon ng PDP-Laban.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Samantala, wala namang konkretong sagot ang dating mambabatas kung posible ang Bongbong-Bong tandem. //MHEL PACIA-TRINIDAD