69 anyos na lalaki, pinagtataga ng lasing sa bayan ng Quezon

Sugatan sa pananaga ang isang Eleoterio Libraryando Ferrer, 69 anyos matapos tagain noong ika-4 ng Oktubre 2021 sa purok Langka, Barangay Isugod, Quezon, Palawan.

Habang ang suspek ay si Joselino Crampatanta Sase, 43 taong gulang, may asawa, magsasaka, at kapwa residente ng Purok Langka, Barangay Isugod, Quezon, Palawan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon sa  imbestigasyon ng Quezon PNP, ang biktima kasama ang kanyang 9 taong gulang na anak ay pauwi na, subalit, nagpasya ang biktima na dumaan sa isang bahay.

Habang sila’y naroon ay nasa impluwensya ng alak ang suspek kaya nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan nilang dalawa, bigla umanong tinaga ang biktima ng maraming beses sa kanyang katawan gamit ang isang itak.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dahil dito, nagtamo ang biktima ng mga sugat sa kanyang ulo, leeg at kaliwang braso kaya isinugod sa Medicare Hospital, Quezon, Palawan at kalaunan ay inilipat sa ibang ospital.

Narekober ang armas na ginamit habang ang suspek ay agad na naaresto at ngayon ay nasa pangangalaga ng Quezon PNP.